Ipinahayag kamakalawa sa Hong Kong ni Yang Xiuping, Embahador na Tsino sa ASEAN, na para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, dapat patuloy na palakasin ang pagtitiwalaan sa isa't isa, hawakan ang direksyon ng estratehikong pagtutulungan, pahigpitin ang proseso ng pagtutulungan, at pangalagaan ang kaayusan ng pagtutulungang panrehiyon.
Ipinahayag ni Yang na ang paghimok ng Tsina sa konstruksyon ng 21st Century Maritime Silk Road at Asian Infrastructure Investment Bank ay para sa may mutuwal na kapakanan at win-win situation, at pangunahing mabibiyayaan ang mga bansang ASEAN. Aniya, nakahanda ang Tsina na malalim na makipag-ugnayan sa ASEAN hinggil sa iba't ibang patakaran ng kooperasyon at konkretong isyu para mapasulong ang pagtitiwalaan at pagtutulungan.
Salin: Andrea