Idinaos kamakailan sa Mandalay, Myanmar ang Ika-13 Pulong ng mga Ministro ng Transportasyon ng Tsina at ASEAN.
Ayon sa Magkasanib na Pahayag, sinang-ayunan ng mga ministrong Tsino at ASEAN na magkasamang pasulungin ang mga pinatatakbo at patatakbuhing kooperatibong proyektong pang-imprastruktura para mapahigpit ang ugnayan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa lupa, dagat at himpapawid.
Ito ay isa sa mga pangunahing hakbang para matupad ang mga mungkahi ng Tsina sa pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at Maritime Silk Road for the 21st Century. Para rito, magbubuhos ang Tsina ng 40 bilyong dolyares para maitatag ang Silk Road Fund. Para naman sa 50 bilyong dolyares na Asian Infrastructure Development Bank, maglalagak ang Tsina ng 25 bilyong dolyares o kalahati ng pondo.
Salin: Jade