Sa kanyang talumpati sa Ika-13 Prime Ministers' Meeting ng SCO sa Astana, kahapon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa harap ng masalimuot na kalagayang pandaigdig, may pag-asang pahigpitin pa ng mga kasapi ng SCO ang pagtutulungan sa larangan ng seguridad, kabuhayan at people-to-people exchanges, batay sa komong palagay na narating na ng mga lider ng SCO hinggil sa pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon ng SCO.
Ipinahayag naman ng mga kalahok na kinatawan na positibo sila sa mungkahi ng Tsina, at nakahanda silang magkakasamang pahigpitin ang pagtutulungan ng SCO sa seguridad, kabuhayan at people-to-people exchanges, para pasulungin ang kasaganaan, katatatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.