Sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap kamakalawa sa Astana si Premyer Li Keqiang ng Tsina kina Pangulo Nursultan Nazarbayev at Punong Ministro Karim Masimov ng Kazakhstan. Positibo ang dalawang panig sa pagpapahigpit ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa industriya at enerhiya, at may pag-asang babalangkasin ang mga katugong kasunduan, sa lalong madaling panahon.
Ipinalalagay ng dalawang panig na ito ay makakatulong sa pagpapasulong ng pagsasa-industriya ng Kazakhstan at pagluluwas ng kasangkapang ginawa ng Tsina.