Ipinahayag kahapon, sa magkahiwalay na okasyon, ng Amerika at Cuba ang pagdaraos ng talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Pangulo Barack Obama ng Amerika na mababago ng White House ang ginawang konklusyon hinggil sa isyung ilagay ang Cuba sa listahan ng mga bansang nagbibigay-suporta sa terorismo, at aalisin nito ang sangsyong pangkalakalan sa Cuba na tumatagal na ng 60 taon. Samantala, kasalukuyang isinasagawa ng Amerika ang hakbang para palawakin ang pakikipagtulungan sa Cuba sa larangan ng turismo at kalakalan.
Ipinahayag naman ni Raul Castro, President of Cuba's Council of State and Council of Ministers, na nag-usap kamakalawa sa telepono ang kataas-taasang lider ng dalawang bansa at positibo sila sa pagsasagawa, alinsunod sa Karta ng UN, ng mga hakbang para muling magkaroon ng normal na relasyong bilateral, sa lalong madaling panahon.
Ayon sa ulat, muling itatatag ng Amerika ang embahada sa Havana, Kabisera ng Cuba, sa loob ng darating na ilang buwan.