Pupunta bukas si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Thailand para dumalo sa Pulong ng Greater Mekong Sub-region (GMS). Sa panahong iyon, may pag-asang lalagdaan ng Tsina at Thailand ang Memorandium hinggil sa Kooperasyon sa daang-bakal para ibayo pang mapalakas ang koneksyong Sino-ASEAN.
Isiniwalat kahapon ng kawanihan ng daang-bakal ng Kunming ng Tsina na kasalukuyang puspusang pinasusulong ng lalawigang Yunnan ang konstruksyon ng 4 na daang-bakal patungo sa Timog Silangang Asya.
Sa larangan ng lansangan, naisaoperasyon na ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina ang 2 express way (mula Baise patungo sa Jingxi at Jingxi patungo sa Napo) na nakikipag-ugnayan sa hanggahang Sino-Biyetnames. Sa kasalukuyan, mayroong 4 na express way ang nag-uugnay sa Guangxi at ASEAN.
Salin: Li Feng