Pormal na nasaioperasyon kahapon ang highway mula Jingxi hanggang Napo, at mula Baise hanggang Jingxi, mga bayan ng Tsina sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam. ipinahayag ng mga dalubhasa na ang pagbubukas ng nasabing dalawang highway ay nagdagdag ng bagong tsanel sa China Nanning - Singapore Economic Corridor, at dahil dito naging mas maganda ang pag-uugnayan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Ang haba ng highway mula Jingxi hanggang Napo ay 90.37 kilometro at 6.88 bilyong Yuan RMB ang pondong inilaan dito. Ang haba ng highway mula Baise hanggang Jingxi naman ay 97.10 kilometro at ginastusan ito na inilaan ang 7.34 bilyong Yuan RMB.
Nitong nakalipas na ilang taon, pinalakas ng Tsina ang puwersa ng konstruksyon ng mga lansangan mula Tsina patungo sa ASEAN, at inisyal na natapos ang konstruksyon ng network ng mga imprastruktura sa mga lansangan.
Salin: Andrea