Sa Confucius Institute ng Institutong Royal sa Phnom Penh, Kambodya—Binuksan dito kahapon ang kauna-unahang "simposyum hinggil sa kaisipan ni Haring Norodom Mononeath Sihanouk."
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Sok An, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, na si yumaong Haring Norodom Mononeath Sihanouk ay namumukod na lider sa modernong kasaysayan ng Kambodya. Gumawa siya ng mahalagang ambag para sa pagsasarili, soberanya, at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Kasabay nito, namumukod na diplomata rin siya, at nakatanggap ng pagmamahal ng mga mamamayang Kambodyano at paggalang ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Vera