|
||||||||
|
||
Nilagdaan kahapon ng Thailand at Tsina ang dalawang memorandum hinggil sa mga kooperasyon ng dalawang panig sa daambakal at agrikultura.
Nauna rito, nagtagpo sa Bangkok sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand.
Ipinahayag ni Li na ang naturang dalawang memorandum ay mahalagang bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa na may mutuwal na kapakinabangan. Ito aniya ay makakabuti sa pagtaas ng lebel ng imprastruktura sa rehiyong ito, pagdali ng transportasyon ng mga paninda at pagpapalagay ng mga tao.
Umaasa rin si Li na kikimkimin ng dalawang panig ang mga gawaing paghahanda para simulan ang pagsasagawa ng mga proyekto sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag ni Prayuth Chan-ocha na ang mga kooperasyon sa daambakal at agrikultura ay nakapahalaga, hindi lamang para sa kanyang bansa, kundi sa buong rehiyon. Nakahanda aniya ang Thailand na isakatuparan, kasama ng Tsina, ang nabanggit na dalawang memorandum.
Bukod dito, ipinahayag niyang pasusulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang panig sa bagong antas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |