Si Chui Sai On, Punong Ehektibo ng Macao
Sa kanyang seremonya ng inagurasyon bilang Punong Ehektibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao ng Tsina, ipinahayag ni Chui Sai On na pasusulungin ang kabuhayan ng Macao sa iba't ibang panig para makinabang dito ang mga Taga-Macao.
Sinabi niya na buong sikap na isasakatuparan ng bagong pamahalaan ng Macao ang patakarang isang bansa dalawang sistema at saligang batas para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa at pangmatalagang katatagan at kasaganaan ng Macao.
Kaugnay ng mga gawain sa kanyang termino, sinabi ni Chui na pasusulungin ng pamahalaan ng Macao ang mga gawain na gaya ng konstruksyon ng lunsod, social insurance, kalusugan, edukasyon, pabahay at katarungang panlipunan.