Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa kanyang Thai counterpart na si Prayuth Chan-ocha, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nilagdaan kamakailan sa Bangkok ng Tsina at Thailand ang kasunduan hinggil sa pagtatatag ng daambakal at kalakalan ng produktong agrikultural. Umaasa aniya siyang mabilisang idaraos ang mga katugong talastasan ng dalawang panig para pasimulan ang pagtatatag ng daambakal, sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Li na sa darating na ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand sa taong 2015, may pag-asang matamo ang bagong tagumapy ng estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, lalo na sa kalakalan, siyensiya at teknolohiya, turismo, paggagalugad ng likas-yaman, at iba pa. Binigyang diin ni Li na ang pagpapasulong ng pagtutulungan sa ASEAN ang nagiging priyoridad ng Tsina sa kanilang patakarang panlabas sa mga kapitbansa.
Ipinahayag naman ni Prayuth Chan-ocha na nakahanda ang Thailand na ibayo pang palakasin ang tradisyonal na mapagkaibigang relasyong Sino-Thai, tupdin ang mga narating na kasunduang pangkooperasyon sa imprastruktura at kalakalan, at pasulungin ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.