Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa delegasyon ng Democrat Party(DP) ng Thailand na pinamunuan ni Abhisit Vejjajiva, Chairman ng DP, ipinahayag ni Liu Yunshan, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC na, may matatag na batayan ang mapagkaibigang tradisyonal na relasyon ng Tsina at Thailand. Sinabi niyang mabunga ang katatapos na ika-22 Di-Pormal na Summit ng APEC, at ito ay nagdulot ng kasiglahan para sa pag-unlad ng rehiyong Asya-Pasipiko. Aniya, sa nalalapit na ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand sa taong 2015, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para ibayo pang palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at estratehikong partnership ng dalawang bansa at partido sa ibat-ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Abhisit Vejjajiva na ang pagpapalalim ng mapagkaibigang pagtutulungan sa Tsina ay komong mithiin ng ibat-ibang sektor ng Thailand. Nakahanda aniya ang kanyang partido na magsikap para pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa.