Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, ipinahayag ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina na nag-usap ang dalawang panig sa di-pormal na summit ng APEC, noong Nobyembre. Aniya, ang madalas na pagkokontakan ay nagpapakita ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Prayuth Chan-ocha na positibo ang Thailand sa mahalagang papel ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at pagpapasulong ng kaunlaran ng daigdig. Umaasa aniya siyang palalakasin ang mas mahigpit na pagtutulungan ng dalawang bansa.