Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Pangulo Abdelfattah al Sisi ng Ehipto, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pag-asang pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, kabilang ang kooperasyon sa industriya, enerhiya, imprastruktura, kalakalan, pamumuhunan, hay-tek , at personal exchanges.
Ipinahayag naman ni Pangulo Sisi na nananatiling matatag ang tradisyonal na relasyong pangkaibigan ng Tsina at Ehipto. Positibo aniya ang Ehipto sa isinasagawang patakarang panlabas at natamong tagumpay ng Tsina. Dagdag pa niya, nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina sa ibat-ibang larangan, lalo na sa industriya, enerhiya at pinansya.