Mula ika-25 hanggang ika-28 ng buwang ito, idinaraos ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyon ng Aceh ng Indonesia ang aktibidad bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pagkaganap ng tsunami sa Indian Ocean.
Ipinahayag ni Raza Fahlevi, Direktor ng Departamento ng Kultura at Turismo ng Aceh, na may tatlong tema ang naturang aktibidad: pagsariwa, paghanga at pag-ahon. Ngayon, sa halip na pakikiramay, kailangang bigyang-pansin aniya kung paano aahon ang mga taga-Aceh mula sa napakahirap na situwasyon. Sa kabilang dako, humahanga aniya siya sa pagtulong ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa pag-ahon ng mga taga-Aceh.
Salin: Vera