
Ipinahayag kahapon ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na hinihimok ng kanyang bansa ang Hapon na lutasin, kasama ng mga karatig na bansa, ang mga isyung pangkasaysayan sa pamamagitan ng diyalogo.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, na sa kanyang talumpati na nakatakdang isasapubliko sa taong ito bilang pagdiriwang sa Ika-70 anibersaryo ng pagkakatapos ng World War II, ilalabas ang mga hakbangin para ibayo pang pasulungin ang katatagan at kapayapaan ng Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Psaki na ang mga paumanhin nina dating Punong Ministro Kouno Yohei at dating Chief Cabinet Secretary Tomiichi Murayama hinggil sa responsibilidad ng Hapon sa World War II ay mahalagang pundasyon para pabutihin ng Hapon ang relasyon sa mga karatig na bansa.
Samantala, ipinahayag din ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa siyang aktuwal na susundin ng Hapon ang mga pangako hinggil sa mga isyung pangkasaysayan.