Isinapubliko kamakailan ng Indonesia ang 192.5 bilyong dolyares na plano ng pagluluwas ng taong 2015. Inaasahang lalaki ito ng 4.4% kumpara sa katulad na plano, para sa 2014.
Para maisakatuparan ang naturang target, isasagawa ng Indonesia ang mga hakbang, kabilang dito ang pagbibigay ng mas murang tikit at hotel sa mga dayuhang grupong komersyal, pagpapalawak ng mga di-tradisyonal na pamilihang kinabibilangan ng Aprika, Gitnang-silangan, at Latin-Amerika, pagpapalakas ng papel ng mga organong diplomatiko at samahang komersyal para isulong ang kooperasyong pangkalakalan, at pagdaragdag ng pagluluwas ng sasakyan de motor, gawang elektroniko, at produkto ng industriyang kemikal at tela.
Dahil sa di-magandang lagay ng pandaigdigang pamilihan at pagbaba ng presyo ng palm oil at rubber, mas mababa, noong 2014, ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Indonesia kumpara sa nakatakdang target.