Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na ang bahagdan ng paglaki ng GDP ay aabot sa 7% sa loob ng darating na tatlong taon.
Upang isakatuparan ang nasabing target, ipinahayag niyang pahihigpitin ng pamahalaang sentral ang konstruksyon ng imprastruktura sa mga larangan na gaya ng transportasyon at enerhiya. Bukod dito, pabubutihin ng pamahalaan ng Indonesia ang kapaligiran ng pamumuhunan at gawaing administratibo.
Ipinahayag naman ni Agus Martowardojo, Gobernador ng Bangkong Sentral ng bansang ito, na kung maisasakatuparan ang mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan, dapat isagawa ng pamahalaan ang tatlong pangunahing gawain na gaya ng paglaan ng karamihan ng piskal budget sa mga larangan ng pagpoprodyus, pagpapahigpit ng pagsusuperbisa sa pinansiya, at pagpapadali ng proseso ng paghahatid ng mga paninda.