Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pulisya at Militar, preparado sa pagdalaw ni Pope Francis

(GMT+08:00) 2015-01-12 18:55:30       CRI

GINAGAWA ng pulisya at militar ang lahat ng paghahanda para pagdating ni Pope Francis sa Huwebes, ika-15 hanggang sa kanyang pag-alis sa Lunes, ika-19 ng Enero.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Sr. Supt. Roland Po, deputy spokesman ng Philippine National Police na umabot sa limang buwan ang kanilang paghahanda sa pagdalaw ng pinuno ng Simbahang Katolika. Mayroon silang koordinasyon sa militar upang higit na matiyak ang kaligtasan ng panauhin at ng mga mamamayang inaasahang hihigit sa limang milyong katao.

Para kay Col. Restituto Padilla, Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines malaki ang magiging papel ng mga mamamayan sa darating na malalaking pangyayari sa Metro Manila, Tacloban City at sa Palo, Leyte. Kailangang sumunod sa mga advisory ng pulisya at militar ang mga mamamayan.

Magkakaroon ng mahigpit na pagbabantay ang mga alagad ng batas sa mga pook na dadalawin ng Santo Papa. Kahit ang mga mamamahayag ay pinapayuhang huwag magdadala ng mga backpacks at tanging mga transparent bags ang dalhin sa Mall of Asia, sa University of Sto. Tomas at sa Quirino Grandstand. Ito rin ang magiging kalakaran sa Tacloban at sa Palo, Leyte.

Sa tanong ng isang mamamahayag kanina, sinabi ni Col. Padilla na wala silang natatanggap na anumang malubhang banta mula sa mga terorista ayon sa kanilang security assessments. Sa kanilang sinasabing radar screen, wala silang nakikitang anumang panganib.

Nagdeklara ang New People's Army ng tigil-putukan at tuloy ang operasyon ng pamahalaan laban sa Abu Sayyaf, idinagdag pa ni Col. Padilla. Tanging crowd management ang kanilang nakikitang malaking hamon sa pagdating ng Santo Papa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>