"Dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa taunang pulong ng World Economic Forum sa taong 2015 sa Davos at bibisita rin siya sa Switzerland, sa paanyaya ni Klaus Schwab, Executive Chairman ng World Economic Forum at Swiss Confederation Government." Ito ang ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sinabi ni Hong na bibigkas si Premyer Li ng talumpati sa sesyong plenaryo ng porum at katatagpuin niya ang mga kalahok na kinatawan ng International Business Council at Tagapangulong Klaus Schwab ng porum. Aniya pa, ilalahad ni Li ang paninindigan ng Tsina sa kalagayang pandaigdig, at ipapakita ang kalagayang pangkabuhayan at isinasagawang hakbang ng Tsina sa reporma.