Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya ng Pransya, dumalo si Zhai Jun, Embahador Tsino sa Pransya sa anti-terrorism rally na idinaos kamakailan sa Paris. Sinabi ni Hong na noong ika-9 ng buwang ito, nagsadya si Wang Chao, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina sa embahadang Pranses sa Beijing para makiramay sa mga biktima at kanilang pamilya.
Ipinahayag ni Wang na tinututulan ng Tsina ang anumang teroristikong aktibidad. Nakahanda aniya ang Tsina na pangalagaan, kasama ng Pransya, ang kapayapaan at katatagan ng dalawang bansa at daigdig.