Ipinahayag kahapon ng Tagapagsalita ng General Administration of Customs ng Tsina na bilang pangatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina, umabot sa 2.95 trilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN noong taong 2014, na mas malaki ng 7.1% kumpara sa tinalikdang taon.
Ayon pa sa estadistika, noong 2014, umabot sa mga 7 trilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga bansa't rehiyon sa Silk Road Economic Corridor at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo(One Belt and One Road), na bumubuo ng sangkaapat ng kalakalang panlabas ng Tsina.