"Nakahanda ang Tsina na pahigpitin, kasama ng mga may-kinalamang bansa, ang pagtutulungan para bigyang-dagok ang teroristikong organisasyon ng East Turkistan Islamic Movement(ETIM)." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag sa magkasamang pagdakip ng Tsina at Turkey sa mga terorista sa Xinjiang.
Sinabi ni Hong na ang ETIM ay hindi lamang makakapinsala sa katatagan ng Xinjiang, kundi maging sa seguridad ng daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng may kinalamang panig para labanan ang puwersang ito.