Sa panel discussion na idinaos kahapon ng Lehislatura hinggil sa "Administration Report" ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong(HKSAR), ipinahayag ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng HKSAR na ang paglutas sa lahat ng mga isyung pangkabuhayan at pampulitika ay dapat ibatay sa Saligang Batas ng HKSAR at katugong resolusyon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng sentral na pamahalaang Tsino.
Umaasa aniya siyang lalahok ang mga miyembro ng lehislatura sa ikalawang round ng konsultasyon hinggil sa halalan para sa Punong Ehekutibo ng HKSAR.
Tinukoy niyang ang naganap na "Occupy Central" ay nakasama sa katatagan ng lipunan, at hindi ito makakatulong sa reporma ng halalan.