Sinimulan nang itayo kamakailan ang China-ASEAN BeiDou Science Park, sa Huangshi, lunsod sa lalawigang Hubei sa gitnang bahagi ng Tsina.
Ang nasabing science park ay ipinangalan sa BeiDou Navigation Satellite System (BDS), global navigation satellite system na sarilinang idinebelop ng Tsina. Magsisilbi itong komprehensibong base ng kooperasyon at pagbibigay-tulong na panteknolohiya ng Tsina at mga bansang ASEAN, na magtatampok sa paggamit ng BDS, business incubator, simulation facilities para sa siyensiya't teknolohiya, pagpapalitan at pagsasanay na akademiko, at iba pa. Tatagal nang anim na taon ang konstruksyon ng parkeng ito.
Ang BDS ay katulad ng NAVSTAR Global Positioning System (GPS) ng Amerika at Global Navigation Satellite System ng Rusya (GLONASS) at compatible ito sa nasabing mga global nagivation satellite system. Noong Marso, 2014, ang Thailand ay naging unang mamimiling dayuhan ng BDS.
Salin: Jade