Ipinatalastas kahapon sa Beijing ni Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng Boao Forum for Asia ang pagdaraos ng taunang pulong ng porum sa taong 2015, mula ika-26 hanggang ika-29 ng Marso sa lalawigang Hainan.
Sinabi ni Zhou na habang ginaganap ang pagtitipon, 73 talakayan ang idaraos kung saan pag-uusapan ang mga isyung may-kinalaman sa makro-ekonomiya, kooperasyong panrehiyon, inobasyong panteknolohiya, pulitika, seguridad at iba pa. Aniya pa, uunahing isagawa sa pulong ang talakayan hinggil sa agrikultura, katarungan, at relihiyon.