Sa kanyang talumpati sa pulong ng 2014 Asian Economic Landscape ng Boao Forum for Asia(BFA), sinabi kahapon ni Zeng Peiyan, Punong Kinatawan ng Tsina sa BFA na maliit ang posibilidad na maganap ang economic crisis sa Asya at sa emerging economies sa daigdig. Aniya, tinatayang aabot sa 7% hanggang 8% ang economic growth rate ng Tsina sa loob ng susunod na limang taon.
Sinabi ni Zeng na pagkaraan ng 30 taong mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, ang kasalukuyang pangunahing tungkulin ng Tsina ay baguhin ang modelong pangkabuhayan at isaayos ang estrukturang pangkabuhayan.