"Ang desisyong ginawa ng Kagawarang Komersyal ng Amerika ay hindi lamang pagwawalang-bahala sa katotonahan at mga katugong regulasyon, kundi paglabag din sa obligasyon ng Amerika na tupdin ang mga regulasyon ng World Trade Organizaion(WTO)." Ito ang ipinahayag kamakailan ng namamahalang tauhan ng Ministring Komersyal ng Tsina sa trade remedy measures at investigation bilang tugon sa muling pagpataw ng panig Amerikano ng buwis sa photovoltaic o solar products mula sa Tsina.
Ipinahayag niyang hinihimok ng Tsina ang Amerika na mahigpit na tupdin ang mga regulasyong pandaigdig at isagawa ang responsableng atityud para maayos na hawakan ang mga trade friction. Samantala, isasagawa rin ng Tsina ang mga katugong hakbang para pangalagaan ang lehitimong interes nito, batay sa balangkas ng WTO at judicial system ng Amerika.