BEIJING, Tsina—Nagtalastasan kahapon ang Tsina at Amerika hinggil sa magkasamang pagbibigay-dagok sa ilegal na pagkakalakalan ng hayop at halaman.
Ang talastasan ay bahagi ng Ika-anim na Diyalogong Estratehiko't Ekonomiko ng dalawang bansa na binuksan kahapon sa Beijing. Ito rin ay hakbangin para matupad ang mga narating na komong palagay ng mga pangulo ng dalawang bansa.
Ayon sa salaysay ng kinatawang Tsino, sa kasalukuyan, mahigit 20 bansa ang naging partner ng Tsina sa pagbibigay-dagok sa ilegal na kalakalan ng hayop at halaman.
Magkakasamang lumahok sa nasabing talastasan sina Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Salin: Jade