Ipinahayag ngayong araw ni Hishammuddin Hussein, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Malaysia na pinapahigpit ng kanyang bansa ang kakayahang pandepensa sa karagatan, himpapawid at lupa para harapin ang banta mula sa teroristikong organisasyon sa katimugan ng Pilipinas at IS.
Binigyang-diin ni Hishammuddin Hussein na binabalangkas ng hukbong pandagat ng Malaysia ang hakbanging pandepensa sa South China Sea at karagatang malapit sa silangan ng Sabah, kabilang dito ang pinalakas na pagpapatrolya sa rehiyong ito.