Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang ASEAN ay mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Silangang Asya at pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon. Ang pagtatatag ng ASEAN Community aniya'y makakatulong sa pagsasakatuparan ng integrasyon ng Silangang Asya.
Sinabi ni Hua na positibo ang Tsina sa konstruksyon ng Komunidad ng ASEAN at gumagabay na papel ng ASEAN sa pagtutulungan ng Silangang Asya. Aniya, ipagpapatuloy ng Tsina ang pakikipagtulungan sa ASEAN bilang priyoridad nitong patakarang panlabas sa mga kapitbansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng ASEAN para ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig.