"Bilang dalawang bansang may mahalagang impluwensya sa rehiyong Asya-Pasipiko, may pag-asang makakatulong ang pag-unlad ng relasyon ng Amerika at India hindi lamang sa pagpapasulong ng pagtitiwalaan at pagtutulungan ng rehiyong ito, kundi maging sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan dito." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pangalawang biyahe ni Pangulo Barack Obama ng Amerika sa India.
Kaugnay ng paglahok ng India sa Nuclear Suppliers Group(NSG), ipinahayag ni Hua na ang pagtanggap ng mga bagong miyembro ng NSG ay dapat tumulong sa pagpapahigpit ng efficacy at authority ng grupo, at alinsunod sa mga katugong prosidyur at talakayan ng mga kasapi ng grupo. Aniya, nakita ng Tsina ang isinasagawang pangako at pagsisikap ng India sa non-proliferation.