"Sa paanyaya mula sa kanyang ROK at Thai counterpart, dadalaw si Minitrong Pandepensa Chang Wanquan ng Tsina sa Timog Korea at Thailand, mula ika-3 hanggang ika-7 ng Pebrero." Ito ang ipinahayag kahapon ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina.
Sinabi ni Yang na ang biyaheng ito ay naglalayong pahigpitin ang kooperasyong pandepensa sa pagitan ng Tsina at Timog Korea, at Tsina at Thailand. Ito aniya'y makakatulong sa ibayo pang pagpapasulong ng kani-kanilang pagtutulungang militar.