Ipinahayag kahapon ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na walang batayan ang pagsasabing banta ang pagluluwas ng Tsina ng mga sandata sa seguridad ng rehiyon.
Sinabi ni Yang na sa mula't mula pa'y nananatiling maingat at responsable ang Tsina sa kooperasyon nito kaugnay ng kalakalang militar. Sabi niya, sa larangan ng weapons export, iginigiit din ng Tsina ang prinsipyong hindi makakasama sa seguridad at katatagan ng rehiyon at daigdig, at hindi makikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Dagdag pa niya, maliit ang bilang ng mga iniluluwas na sandata ng Tsina.
Ayon sa estadistika ng Stockholm International Peace Research Institute(SIPRI), mula noong 2008 hanggang 2012, ang weapons export ng Tsina ay katumbas lamang ng 5% ng kabuuang halaga ng pagluluwas ng mga sandata sa daigdig, at sang-kaanim naman ng sa bansang may pinakamalaking pagluluwas ng mga sandata.