Sinabi kahapon ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon na, sa proseso ng pagsususog ng mga batas na may kinalaman sa tanggulan ng bansa, hindi itatakda ang limitasyong heograpikal sa pagsasagawa ng karapatan ng collective self defence, o ibig sabihin, puwedeng isagawa ang karapatan ng collective self defence sa buong daigdig.
Sa isang pulong na idinaos ng Mataas na Kapulungan ng Hapon, sinabi ni Abe na sa pagsasagawa ng karapatan ng collective self defence, hindi isasaalang-alang ang distansya o layo ng destinasyon. Samantala, ipinahayag niyang kailangang pagtibayin ng parliamento bago umaksyon ang Self Defense Force.