Sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, at Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya
Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, binigyang diin ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina na sa nalalapit na ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng WWII, magsisikap ang Tsina at Rusya, kasama ng komunidad ng daigdig, para idaos ang mga katugong paggunita. Aniya, bilang kinatawan ng mga bansang BRICS, nakahanda ang Tsina, kasama ng Rusya, para magkakasamang pangalagaan ang pandaigdig na kapayapaan at kaligtasan na itinatag pagkaraan ng digmaan, at pasulungin ang proseso ng multipolarisasyon at pagsasademokrasya ng relasyong pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Sergey Lavrov na ang mahigpit na pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at Rusya ay makakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig. Nakahanda aniya ang Rusya, kasama ng Tsina, na ihandog ang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng WWII, at magkasamang pangalagaan ang Karta ng UN.