Ayon sa pinakahuling datos na inilabas kahapon ng China Internet Network Information Center (CNNIC), hanggang noong Disyembre ng taong 2014, ang bilang ng mga netizen ng Tsina ay umabot na sa 649 na milyon, lumaki ito ng 31.17 milyong kumpara sa taong 2013. Bukod ito, ang mga netizen na gumagamit ng mobile phone ay umabot sa 557 milyon na lumaki ng 56.72 milyon.
Ayon sa datos, malaki ang itinaas ng bilang ng mga users na gumamit ng mobile phones para mamimili, magbayad at isagawa ang on-line banking.
Bukod dito, ipinalalagay ng 48.6% ng mga netizen na ligtas ang kapaligiran ng internet. Ipinahayag din ng 54.5% ng mga netizen ang kanilang paniniwala sa impormasyon sa internet.