Nagtagpo kahapon sa Munich, Alemanya, sina Angela Merkel, Chancellor ng bansang ito, at Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Pamahalaang Tsino.
Ipinahayag ni Yang na nakahanda ang Tsina na isagawa, kasama ng Alemanya, ang mga mahalagang bilateral na aktibidad sa taong 2015 para payamanin ang nilalaman ng komprehensibong estratehikong partnerhip ng dalawang bansa.
Bukod dito, kapwa nila ipinahayag ang hangarin sa pagpapahigpit ng mga kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Si Yang ay nasa Alemanya para lumahok sa Ika-51 Munich Security Conference (MSC).