|
||||||||
|
||
Kasama niya ang kanyang maybahay na si Ibu Hajah Iriana Joko Widodo at isang delegasyon mula sa kanyang bansa sa pag-aalay ng bulaklak upang simulan ang kanyang pagdalaw.
Sinalubong sila ni dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya. Pinarangalan din si Pangulong Widodo ng 21-gun salute.
Dumating siya sa Pilipinas kahapon sa paanyaya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Ngayong hapon, nakatakda ang kanilang pag-uusap sa mga paksang may kinalaman sa migrant workers, maritime cooperation, defense, trade and investment at people-to-people exchanges.
Ito ang unang pagdalaw ni Pangulong Widodo sa Pilipinas mula ng manungkulan noong Oktubre 2014. Pilipinas ang huling bansang dinalaw matapos ang Malaysia at Brunei Darussalam.
Nakatakda siyang bumalik sa Jakarta bago sumapit ang ika-siyam ng gabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |