Nag-usap kahapon sa Singapore City sina Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore at Meng Jianzhu, Sugo ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina at Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC).
Ipinahayag ni Meng na nakahanda ang Tsina na ibayo pang pahigpitin, kasama ng Singapore, ang pragmatikong pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng law enforcement at seguridad. Ito aniya'y hindi lamang makakatulong sa pagpapalakas ng pagtitiwalaang pampulitika ng Tsina at Singapore, kundi ring ito makakatulong sa paglikha ng ligtas na kapaligiran sa kanilang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan at people-to-people exchanges.
Sinabi ni Meng na magiging tagapagkoordinang bansa ang Singapore sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag naman ni Lee Hsien Loong ang paghahandang pahigpitin ang pakikipagtulungan ng Singapore sa Tsina sa ibat-ibang larangan at pasulungin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.