|
||||||||
|
||
Isang seremonya ang idinaos kahapon ng Singapore bilang paggunita sa mga mamamayang pinaslang sa panahon ng pananakop ng Hapon noong World War II (WWII).
Lumahok dito ang mahigit 1,200 kinatawan mula sa iba't ibang sangay ng lipunan na kinabibilangan ng mga opisyal, sugong dayuhan, retiradong sundalo, madre at padre, kamag-anak ng mga biktima at estudyante.
Sinabi ni Thomas Chua, Presidente ng Singapore Chinese Chamber of Commerce and Industry (SCCCI), na magandang teksbuk ang kasaysayan at nawa'y ipaalala ng seremonyang ito sa mga kabataan ang mga aral na natamo mula sa kasaysayan, at pahalagahan ang kasalukuyang kapayapaan at kasarinlan.
Mula noong ika-15 ng Pebrero, 1945, sinimulan ng Hapon ang 3 taon at 6 na buwang pananakop sa Singpore. Ayon sa di-kumpletong datos, di-kukulangin sa 50,000 Singaporean-Chinese ang pinaslang ng mga mapanalakay na Hapones.
Ngayong taon ang ika-48 taong pagtataguyod ng SCCCII ng ganitong aktibidad.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |