Sa pagtataguyod ng Samahan ng Indonesya sa Kooperasyong Sino-Indones sa Kabuhayan, Lipunan, at Kultura, idinaos kahapon sa Jakarta ang seremonya ng pagpapalabas ng mga selyo para sa "taon ng kambing."
Sa seremonya, sinabi ni Tagapangulo Sukamdani Gitosardjono ng naturang samahan, na sa kasalukuyan, maraming mamamayan ng Indonesya ang naniniwala sa Chinese zodiac. Ito aniya ay palatandaan ng malalim na pagkakaibigan at magandang pagpapalitang pangkultura ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sa ilalim ng pagtulong ng Samahan ng Indonesya sa Kooperasyong Sino-Indones sa Kabuhayan, Lipunan, at Kultura, ito ang ika-9 na taon na naglabas ang Indonesia Post ng mga selyo ng Chinese zodiac. Para sa taong ito na "taon ng kambing," ipinakikita ng mga selyo ang imahe ng kambing, at may kataga sa mga selyo sa wikang Indones, Tsino, at Ingles para sa "taon ng kambing."