Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taon ng Kambing, Tupa, o Ram?

(GMT+08:00) 2015-02-20 15:27:39       CRI

(Larawan mula sa Pambansang Museo ng Tsina)

Papalapit na ang Taon ng "Yang." Sa wikang Tsino, ang "Yang" ay salitang tumutukoy sa kapuwa kambing, tupa at ram. Habang sabik na sabik na hinihintay ng mga Tsino ang pagpasok ng Taon ng Yang, maraming mga dayuhan ang gusto ring sumabay sa pagdiriwang. Subalit, sa gitna ng pananabik, may biglang lumitaw na kalituhan. Di-tulad sa wikang Tsino, na "Yang" ang tawag sa kapuwa kambing, tupa at ram; sa wikang Ingles, iba ang situwasyon. Ang nakakalitong tanong: "Ano ang tawag sa taong ito: Taon ng Kambing, Taon ng Tupa, o Taon ng Ram?

Teka muna, para hindi lumala ang kalituhan, narito ang paliwanag. Ang litrato sa ibaba ay isang Ram. Mukha itong tupa na may malaki at paikot na sungay.

Narito naman ang litrato ng kambing.

Ito naman ang tupa.

Pero, hindi lamang po mga Ingles ang nalilito sa tawag sa taong ito: ang mga Amerikano rin ay natutuliro. Narito ang artikulo mula sa Cable News Network (CNN).

Para matukoy ang kasagutan sa nasabing katanungan, nagsimulang mag-brainstorm ang mga dalubhasa. Pinag-aralan nila ang maraming historikal na dokumento, at ayon sa kanila, dahil mas marami ang nag-aalaga ng tupa sa hilagang Tsina, kaya, para sa kanila, ang taong ito ay Taon ng Tupa. Para naman sa mga taga-timog Tsina, marami ang nag-aalaga ng kambing, kaya, para sa kanila, ang taong ito asy Taon ng Kambing.

Sabi naman ng ilan, kailangang tingnan ang kasaysayan ng Tsina. At ayon sa kanila, kapag tiningnan ang estatuwa ng 12 Chinese Zodiac Sign, malalaman na ang taong ito ay Taon ng Kambing.

Dagdag pa sa kalituhang ito, kapag ikaw ay nagpunta sa supermarket, grocery store at mga mall, makikita ang maraming paper cuttings sa hugis ng kambing, tupa at ram.

Pero, iba ang artikulong ipinalabas ng New York Times upang ipaliwanag ang kalituhang ito. Ayon sa kanila, ang taong ito ay dapat tawagin bilang Taon ng "Any Ruminant Horned Animal."

Pero, sa tingin ko, ang terminong "any ruminant horned animal" ay hindi lamang tumutukoy sa kambing, tupa, o ram, kabilang din dito ang kamelyo, usa, baka, at marami pang iba. Mas mainam siguro kung sasabhin na lang natin na ang taong ito ay Taon ng Yang.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>