Sa Montreux, Switzerland, natapos kahapon ang 3-araw na closed-door na talastasan nina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika at Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Pagkatapos nito, ipinahayag ni Kerry na kahit natamo na nila ang ilang progreso, mayroon din mga maliwanag na pagkakaiba. Sinabi ni Zarif na kung ipagpapatuloy ng mga bansang kanluranin ang pagsasagawa ng sangsyon sa Iran, hindi mararating ang pagkakaisa sa isyung nuklear ng Iran. Pero, aniya pa rin, malapit na nilang marating ang pagkakaisa.
Nang araw ring iyon, sinabi ni Cheng Jingye, Kinatawan ng Tsina sa pulong ng IAEA na nagkakatulag na ang posisyon ng iba't ibang panig kaya di malayong matukoy ang pokus ng mga isyu sa talastasan.
salin:wle