GENEVA, Switzerland—Natapos kagabi ang bilateral na talastasan ng Iran at Amerika hinggil sa mga detalyeng pulitikal at teknikal na may kinalaman sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran.
Ayon sa isang mataas na opisyal ng panig Amerikano na ayaw magpabanggit ng pangalan, mataimtim ang dalawang panig sa talastasan sa mga isyung mahirap na mapagkasunduan, at nakahanda rin silang marating ang kasunduan. Pero, aniya, hindi pa sigurado kung mararating ang kasunduan sa wakas.
Ang katatapos na talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran ay nagsimula noong ika-20 ng buwang ito. Sa katapusan naman ng kasalukuyang buwan, muling magtatalastasan ang Iran at ibang anim na bansa na kinabibilangan ng Britanya, Tsina, Pransya, Alemanya, Rusya at Estados Unidos, hinggil sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Ito ay inaasahang mararating bago unang araw ng darating na Hulyo.
Salin: Jade