|
||||||||
|
||
Mula ika-30 ng Marso, bubuksan ng Xiamen Airlines ang direktang flight sa pagitan ng lunsod ng Quanzhou, sa probinsyang Fujian ng Tsina at Manila.
Ang pinakamababang presyo ng one-way na tiket ay nagkakahalaga lamang ng 250RMB o halos 1765 piso (di-pa kasama ang tax), samantalang ang pinakamababang presyo ng round trip na tiket ay 590RMB o 4165 piso naman (di-pa kasama ang tax).
Ang naturang ruta ay may permanenteng lipad tuwing Lunes, Martes at Biyernes.
Ang eroplano ay aalis ng Jinjiang Airport, Quanzhou, alas-otso singkuwenta (8:50) ng umaga. Darating ito ng Manila, alas-onse (11:00) ng umaga. Muli itong aalis ng Manila papuntang Quanzhou, alas-onse singkuwenta'y singko (11:55) ng umaga at darating ito ng Jinjiang Airport, Quanzhou, alas-dos (2:00) ng hapon.
Bukod dito, mayroon ding 2 espesyal na flight ang Xiamen Airlines papuntang Pilipinas. Ang isa ay nagkakahalaga ng 4,888RMB o 34,506 piso: kasama rito ang 4 na round trip na tiket at visa; at 6 na araw na paglalakbay sa Cebu, Bohol, at Manila. Ito'y magsisimula sa ika-30 ng buwang ito.
Samantala, ang ikalawang espesyal na flight ay nagkakahalaga naman ng 4,999RMB o 35290 piso: kasama rito ang 4 na round trip na tiket at visa; at 5 gabi at 6 na araw na pamamasyal sa Boracay. Ito ay available sa Marso 30, Abril 1 at 3, 2015.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |