Binuksan kahapon ang Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), at inilahad ni Premyer Li Keqiang ang Government Work Report. Ipinahayag ng mga dalubhasa at iskolar ng mga bansang ASEAN na ipinakikita ng naturang ulat ang buong tatag na determinasyon ng Pamahalaang Tsino sa matibay na pagsusulong ng reporma at pagbubukas sa labas. Makikita rin anila dito ng buong daigdig ang malawakang prospek ng matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayang Tsino at harmonyang panlipunan.
Sinabi ni Ei Sun Oh, iskolar ng Nanyang Technological University (NTU), na malaki ang inaasahan ng iba't-ibang sirkulo ng mga bansang dayuhan sa sustenable at matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Inulit aniya ng Tsina ang paggigiit ng pagpapalalim ng reporma at pagbubukas sa labas, kaya mas malaki ang kompiyansa ng iba't-ibang sirkulo ng mga bansang dayuhan sa pag-unlad ng Tsina.
Salin: Li Feng