Ayon sa 2015 panukalang budget na isinapubliko kamakailan ng pamahalaan ng Tsina, umabot sa 886 bilyong Yuan RMB ang pondo ng military appropriation, na lumaki ng 10.1% kumpara sa nagdaang taon. Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga dalubhasa mula sa Paksitan, Rusya, Thailand, Amerika at Liga ng mga Bansang Arabe, na makatuwiran at normal ang paglaki ng militar na gastos ng Tsina, alinsunod sa ibat-ibang panibagong elementong kinabibilangan ng bilang ng populasyon, kalawakan ng teritoryo at paglakas ng impluwensya sa daigdig. Ipinahayag nilang mas mababa ang bahagdan ng paglaki ng naturang bilang sa taong 2015. Umabot ito sa 12.2% noong 2014, 10.7% sa 2013, 11.2% sa 2012, at 12.7% sa 2011,dagdag pa nila.
Noong 2014, ang gastos militar ng Tsina ay katumpas ng 1.5% ng GDP na mas mababa sa karaniwang bahagdan na 2.6% ng daigdig.