Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inobasyong panteknolohiya, pokus ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ilalim ng "economic new normal"

(GMT+08:00) 2015-03-09 12:11:20       CRI
Sa kanyang taunang ulat hinggil sa trabaho ng pamahalaang Tsino kamakailan, ipinagdiinan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na pumapasok na sa "new normal" ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan na nagtatampok sa katamtamang-taas na paglaki ng GDP. Batay rito, inaasahang aabot sa humigit-kumulang 7% ang paglaki ng GDP ng Tsina sa 2015. Ito ang magiging pinakamababang bahagdan ng paglaki ng pambansang kabuhayan ng Tsina nitong 25 taong nakalipas.

Ipinalalagay ng mga bahay-kalakal na Tsino na ang "new normal" ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa kalidad ng pambansang kaunlaran. Nagkakaloob anila ito ng oportunidad para kanila na isaayos ang pamamaraan ng pag-unlad sa pamamagitan ng pagpapasulong ng inobasyong panteknolohiya.

Sinabi ni Qian Yuebao, Tagapangulo ng Menglan Corporation, isang kompanya ng tela na nakabase sa probinsyang Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina, na mahigit isang dekada ang nakaraan, sinimulan na ng kanyang bahay-kalakal ang pagbabago sa produksyon na nagtampok sa pagiging labor intensive at mataas na konsumong pang-enerhiya. Para rito, inangkat aniya ng Menglan ang mga assembly line mula sa Alemanya, Espanaya at Sweden. Nagpataas aniya ito ng limang beses ng episyensiya sa produksyon ng kompanya. Noong 2014, lumampas sa 20% ang bahagdan ng paglaki ng pagluluwas ng Menglan kumpara sa taong 2013.

Si Qian Yuebao (sa kaliwa) habang kinakamayan si Pangulong Xi Jinping (file photo, 2013)

Sinabi naman ni Zhang Jindong, Tagapangulo ng Suning, malaking kompanya ng mga tindahan ng electronics ng Tsina, na nakabase rin sa probinsyang Jiangsu, na sa paggamit ng mga teknolohiya na gaya ng cloud computing, big data at O2O, noong 2014, lumampas sa 110% ang paglaki ng netong kita ng kompanya kumpara sa 2013.

Ayon naman kay Liu Zhibiao, mananaliksik sa kabuhayan mula sa Nanjing University na, sa ilalim ng "economic new normal" ng Tsina, lalo pang titingkad ang papel ng inobasyong panteknolohiya ay nito sa pagpapasulong ng kalidad ng paglaki ng pambansang kabuhayan.

Sa kasalukuyan, idinaraos ngayon sa Beijing ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), punong lehislatura ng bansa at sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng bansa.

Kapuwa ang nasabing dalawang mangangalakal ay miyembro ng CPPCC.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>