Ang bagong modelo ng kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina ay kasalukuyang nagiging pokus na sinusubaybayan ng komunidad ng daigdig. Iniulat ito ng Reuters, Financial Times ng Britanya, New York Times at Wall Street Journal ng Amerika.
Ipinalalagay din ng pahayagang People's Daily ng Tsina na isinasagawa ng Tsina ang pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, sa pamamagitan ng pagbibigay-pokus sa kalidad ng kabuhayan, mula sa kabuuang halaga lamang ng kabuhayan. Samantala, kasalukuyang nakikita ang mga umuusbong na industriya ng Tsina, kabilang dito ang cloud computing, internet finance, online medicare, online education, e-commerce, at iba pa.